Saturday, January 26, 2013

The Made-Up Me


Is composed of putting my BB cream from The Face Shop, some blush and a lipstick with lipbalm.
Yep - that's my everyday look.


my small make up stash


Minsan if I feel like wearing a more decent look, I put on some colors on the eyelids. Hulaan nyo kung ano? hehehehe the more natural brown/earth colors.


You see, I'm not the type of person na makolorete sa mukha. Nung nagdalaga ako (kelan ba yun?) di ko natutunang maglagay ng powder sa mukha. Mas na meron sa likod ko (parang baby) kesa sa face. Baket? Because I have oily face. Malamang kung pinilit kong maglagay ng face powder since time
immemorial tatad ng pimples ang mukha ko, na sobrang ayoko naman.


Kaya ang laman ng "vanity kit" ko sa simula't simula ay:  hairbrush, tissue, oil-control film at alcohol. Nung nagkawork na ako, nadagdagan ng pabango (see my small collection of perfume and colonges/body mists). Nakilala ako ng asawa ko na ganyan lang at ganyan ang dala.
 


 

Pero syempre, since Im still a girl...deep inside me I want a more "refined" and "presentable" me. Kaya I started reading beauty blogs. The likes of Project Vanity, The Beauty Junkee, Shen's Addiction. Sa kanila ko natutunan ang iba't ibang tungkol sa mukha at make up. Face powder, liquid/powder foundation, primers, concealers, Blemish Balm Cream (BB creams), Blush on, lipstick, lipgloss, eye shadow..name it they have it! :D


Kaya unti-unti, bumili ako ng mga pang-kolorete sa mukha. At sa paminsan-minsang paglalagay (dahil pinupuna ng asawa ko, san daw ang date?! duh?!), natutunan ko ang aking basic make-up routine.


So ngayon, I try to maintain my make up routine. Pero may mga gusto pa rin akong matutunan, like putting on some eyebrow (dahil di ko maintindihan ang shape ng kilay ko) at eye liner (dahil di talaga ako marunong).


One day, one at a time promise :)

 

No comments: