Saturday, February 9, 2013

One Weekend at Paradizoo


Being online has it perks :) One of that is joining and winning some online freebies like free entrance to wherever :P

My third win online is a free ride card on any rides under Zoomanity Group. So when I claim it in their creepy office, the very gracious Kirby gave me complimentary entrance tickets for four at Paradizoo, Tagaytay :)

Paradizoo
Syempre sino pa bang isasama pag zoo kung di ang mga makukulit na bata! Sumabit kami actually sa lakad ng aming ever-bait friend kasi sila ang naunang nanalo ng entrance tickets :)

The place is actually big for the few animals that we saw. But the ample space was filled not only with animals but various  plants and trees! Meron pang mini butterfly and bees farm. Kaya lang umulan-umabon nung nandun kami, the bees are in their bee house hahaha! Meron din silang maliit na pet-cemetery for some of the animal na inaalagaan nila pero nasa heaven na ;)


the sample camel, solid yan pero may totoong camel dito!
 
Ang mga nakita naming animals? Madaming goat, rabbit, love birds, baka na may 5 limbs, llama, sheep (meron pala dito?!), albino carabao, camels, mini-horses, donkey at lambs. Ang mga halamang nakilala ko dun ay Forget Me Not flowers, Mickey Mouse flowers, mga iba't ibang breed ng roses, sunflowers at iba't ibang puno like Akasya, Narra atbp :P (parang fieldtrip lang!)
mini-horses which can also be rented for Php30 pesos para sa kids

ang walang malay na baby sa butterfly house

baby in the middle of mini farm

ang aking remembrance shot


Picnic ba kamo?

Since nasa Tagaytay na rin kami, dumiretso na kami sa Picnic grove para magrelax ng konti bago umuwi. Ang mga makukulit? Ayun excited kumain at maglaro sa picnic hahahaha!

kain onti

play agad!
kunwari daw nasa Baguio sila

pang aliw ng batang makulit habang nagbe-breastfeed ako :)













Ang baon namin sa picnic? Mga pagkaing di child-friendly! hahahaha! Minsan-minsan lang naman :) Promise! Saka 3 balot lang yan ng chips na kasama kaming 4 na adults na nakipag-agawan sa mga bata hehehe












Here are the three playful and uber kulet girls na kasama namin. Sana paglaki nila tropa-tropa din sila kagaya naming mga parents nila :)












Syempre ang mag-ama ko, di magpapatalo sa picture taking! Humanap pa talaga ng background yan para dyan :)











Habang nandun kami sa Picnic Grove napansin ko na may  Makahiya sa paligid! At madami sila! AHA moment ng mga kids! hahahaha.. sino bang di natuwang maglaro ng mga Makahiya plants? :)












At dahil humahapon na, kailangan nang bumiyahe pauwi para di matraffic. Ang pang-bribe sa mga batang gusto pang maglaro? Mag fish feeding sa Nuvali! At isa pang libreng picture taking sa sosyal na subdivision sa tapat :)

Bianca feeds Koi
ang ganda ng bahay na to :)




At dyan nagtatapos ang aming paglalakbay! Sa uulitin!